^

Probinsiya

Killer ng actor sumuko

- Danilo Garcia -

RIZAL ,Philippines  — Sumuko na sa pulisya ang tiyuhin at pangunahing suspek sa pamamaril at pagpatay sa actor na si John Apacible sa bayan ng Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi.

Unang sumuko dakong alas-6 ng gabi sa Police Security and Protection Office sa Kampo Crame ang suspek na si Armando Rustia, 61, ng #28 Primerose Street, Greenland Subdivision sa Brgy. San Juan.

Agad namang ipinasa sa kustodiya ng Rizal Provincial Police Office at Cainta Municipal PNP bago isinugod sa Cainta Municipal Hospital matapos ma-high blood.

Nabatid sa ina si Enrique “John” Apacible na nakausap na siya ng kapatid na suspek at nagsisisi sa nagawa krimen laban sa pamangkin kung saan hindi niya sinasadya.

Sinabi ni Aurora Apacible, ina ng biktima na nais ngayon ni Rustia na siya na lamang ang namatay at hindi ang pamangkin.

Matatandaan na nag-iinuman ang magtiyuhin sa tapat ng bahay ng suspek nang magkapikunan at suntukin ng aktor ang kanyang tiyuhin. 

Kumuha ng baril ang suspek kung saan nagkaagawan hanggang sa dalawang beses na maputukan si Apacible.

Nakatakdang i-cremate naman ang mga labi ng actor sa Linggo.

vuukle comment

APACIBLE

ARMANDO RUSTIA

AURORA APACIBLE

CAINTA MUNICIPAL

CAINTA MUNICIPAL HOSPITAL

GREENLAND SUBDIVISION

JOHN APACIBLE

KAMPO CRAME

POLICE SECURITY AND PROTECTION OFFICE

PRIMEROSE STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with