^

Probinsiya

John Apacible todas sa tiyuhin

- Ni Mer Layson -

RIZAL, Philippines – Bumulagta ang character actor na si John Apacible matapos na pagbabarilin ng kanyang tiyuhin sa Barangay San Juan sa bayan ng Cainta, Rizal kahapon ng madaling-araw.

Dalawang bala ng baril ang tumama sa dibdib kung saan naisugod pa sa Metro Doctors Hospital su­balit idineklarang patay si Apacible (Enrique Apacible sa tunay na buhay), 38, binata, ng #26 Prime Rose Street, Greenland Subdivision sa nasabing barangay.

Nagpaabot naman ng surrender feeler sa pulisya ang suspek na si Armando Rustia, 61, may-asawa, seaman, at residente ng #28 Prime Rose St. sa nasabing subdibisyon.

Sa ulat ni PO2 Andrew Focasan, lumilitaw na nag-iinuman ng alak ang magti­yuhin kasama ang dalawang pinsan ni Apacible nang magsimulang magwala ang biktima dahil sa sinasabing pagkapikon sa tinuran ng tiyuhin.

Nabatid na sinapak ni Apacible ang kanyang ti­yuhin kaya pumasok ng bahay at kinuha ang baril sa ikalawang palapag.

Sinasabing nag-warning shot ang suspek upang takutin ang pamangkin, na pilit nitong pinauuwi dahil sa labis na kalasingan.

Hindi naman natakot si Apacible at sa halip ay nagawang magpambuno sa kanyang tiyuhin hanggang sa maganap ang pamamaril na sinasabing nasaksihan naman ng misis ng suspek.

Si Apacible ay dating bold actor kung saan ay naging character actor at lumabas sa mga teleser­yeng “Totoy Bato” at “Darna” sa GMA 7 at mga bold films tulad ng “Phone Sex” at horror movie na ‘Shake, Rattle and Roll’.  

Isa rin siya sa mga cast ng teleseryeng ‘Minsan Lang Kitang Iibigin,’ na gumanap sa papel na si Lt. Col. Santiago.

vuukle comment

ANDREW FOCASAN

APACIBLE

ARMANDO RUSTIA

BARANGAY SAN JUAN

ENRIQUE APACIBLE

GREENLAND SUBDIVISION

JOHN APACIBLE

METRO DOCTORS HOSPITAL

MINSAN LANG KITANG IIBIGIN

PHONE SEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with