^

Probinsiya

Nurse sinuspinde, naglason

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY ,Philippines  — Isang lisensyadong nurse ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng hindi pa malamang nakalalasong likido matapos na damdamin ng biktima ang pagkakasuspinde sa kanya sa pinagta-trabahuhang ospital kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ilayang Iyam ng lungsod na ito.

Kinilala ni P/Supt. Alex Orfanel, hepe ng pulisya dito ang biktima na si Czarhavi Aryeta, 26, dalaga at residente ng Rosario Village, Brgy. Ilayang Iyam at nurse sa Lucena United Doctors Hospital (LUDH ).

Ayon sa imbestigasyon nina PO3 Domingo Rivarez at PO2 Jefferson Tamaray, dakong alas-5:30 ng hapon ay natagpuan ni Gng. Virginia Ayaton ang anak sa loob ng kuwarto nito na bumubula ang bibig at may lumalabas na kulay itim na likido, may paso din umano ang tiyan, hita at kamay ng biktima.

Natuklasan din ng mga imbestigador na bago isinagawa ng biktima ang pagpapatiwakal ay sinuspinde ito ng LUDH sa Dialysis Section noong Marso 10, 2011, ganap na alas-2:00 ng hapon dahil sa administrative offense na labis nitong dinamdam.

vuukle comment

ALEX ORFANEL

BRGY

CZARHAVI ARYETA

DIALYSIS SECTION

DOMINGO RIVAREZ

ILAYANG IYAM

JEFFERSON TAMARAY

LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL

ROSARIO VILLAGE

VIRGINIA AYATON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with