^

Probinsiya

Nanay pinabulagta ni tatay

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa misis na nagsampa ng kaso laban sa kanyang mister makaraang pagbabarilin ng sariling asawa sa waiting shed sa Barangay Guinhawa sa Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Bulacan Provincial Hospital si Gina Cañedo ng Sgt. Mabagos Street saTondo, Manila habang tinutugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Alexander Cañedo ng Aveña Subdivision, Brgy. Sto. Cristo sa bayan ng San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni P/Chief Insp. Samuel Guimbongan, lumilitaw na bago maganap ang krimen, nagkita ang dalawa sa sala ni Judge Teodora Gonzales ng Malolos City Rgional Trial Court Branch 14 kaugnay sa kasong bigamy na isinampa ng biktima laban sa suspek.

Matapos ang court hearing ay nag-aabang ng masasakyan ang biktima nang dumating at komprontahin ng suspek.

Dito na nasaksihan ng ilang residente na nasa waiting shed ang ginawang pamamaril ng suspek sa kanyang misis.

vuukle comment

ALEXANDER CA

BARANGAY GUINHAWA

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

CHIEF INSP

GINA CA

JUDGE TEODORA GONZALES

MABAGOS STREET

MALOLOS CITY

MALOLOS CITY RGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with