Nene pisak sa killer bus

QUEZON ,Philippines   — Napisak ang ulo ng isang 5-anyos na nene makaraang masagasaan ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kalsada sa Barangay Hinabaan sa bayan ng Guinyangan, Quezon, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Insp. Joselito Mendoza, ang nasawi na si LadyLin Rodriguez habang sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng bus na si Niño Besa, 21, ng nabanggit na bayan. Lumilitaw na biglang tumawid ang bata kaya inararo ng AB Liner Bus (DVN-860) na patungong Manila.

Show comments