^

Probinsiya

Factory worker lagos sa killer trak

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON , Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 36-an­yos na factory worker na nag-test drive lamang ng motorsiklo makaraang masagasaan at makaladkad ng trailer truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Sto.Cristo sa bayan ng Saria­ya, Quezon, kamakalawa ng umaga.

Nagkadurug-durog ang katawan ni Rex Gerolda ng San Pedro, Laguna habang nadakip naman ng pulisya ang drayber ng trak na si Melchor Chavez, 42, ng Lucena City, Quezon.

Ayon kina PO2 Alnor Tagara at PO1 Reynaldo Delina, nakamotorsiklo ang biktima mula sa bayan ng San Pedro, Laguna patungong Bicol nang mag-overtake sa trailer truck ni Chavez.

Subalit nailang ito sa kasalubong na pampasa­herong jeepney kaya tinangkang bumalik sa linya hanggang sa sumabit sa tagiliran ng trailer.

Dito na natumba ang motorsiklo at masagasaan kung saan nakaladkad pa ng may 50 metro ang biktima saka na lang huminto ang trak matapos na napansin ng drayber ang insidente.

vuukle comment

ALNOR TAGARA

AYON

BARANGAY STO

LUCENA CITY

MAHARLIKA HIGHWAY

MELCHOR CHAVEZ

QUEZON

REX GEROLDA

REYNALDO DELINA

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with