Korean trader itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 47-anyos na negosyanteng Koreano matapos itong pagbabarilin sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Marfil sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur noong Lunes ng gabi. Bandang alas-9 ng gabi nang pasukin ang bahay ni Hongjou Seo sa Purok 7 Uguban. Natukoy naman ang suspek na si Caesar Labe matapos mamataan ng ilang kapitbahay na lumabas mula sa bahay ng Koreano. Naglatag na ng dragnet operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Show comments