^

Probinsiya

Ambulansya vs 3 motorsiklo: 3 patay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines -Tatlo katao  ang nasa­wi habang dalawa pa ang nasugatan sa karambola ng isang ambulansya at tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika highway, Brgy. Castillano, San Leonardo, Nueva Ecija noong Martes ng gabi.

 Kinilala ang mga nasawi na pawang motorcycle ri­ders na sina Ramir Miranda at Edgardo Sarmiento na magkaangkas sa motorsiklo ang isa pa ay Gerardo Martin na sakay naman ng isa pang motorsiklo.

Ang driver ng ambulansya na si Roger Abuan at isa pang biktima na si John Paul Panganiban, 19- anyos ay sugatan namang isinugod sa pagamutan.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Chief Inspector Francisco Mateo, hepe ng San Leonardo kasalukuyang bumabagtas sa Mahar­lika highway ang nasabing ambulansya ng makabanggan ang isang motorsiklo bandang alas-11:30 ng gabi.

Sa lakas ng banggaan ay dalawa pang motorsiklo ang nadamay sa karambola ng sasakyan sa nasabing lugar.

Nabatid na ang nasa­bing ambulansya ay galing sa Maynila para maghatid ng pasyente ng mangyari ang sakuna. Nasa ligtas namang kalagayan ang naturang pasyente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

BRGY

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR FRANCISCO MATEO

EDGARDO SARMIENTO

GERARDO MARTIN

JOHN PAUL PANGANIBAN

NUEVA ECIJA

RAMIR MIRANDA

ROGER ABUAN

SAN LEONARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with