^

Probinsiya

Mag-asawa, 3 anak natusta sa sunog

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines   — Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-asa at tatlo nitong anak matapos makulong sa kanilang bahay na nasunog sa Barangay Santiago Old sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa namatay ay ang mag-asawang Anastacio Parina, 68; Normida Parina, ang mga anak na sina Alvin, 5; Erlinda, 3; at si Vincent, 1.

Batay sa police report, naganap ang sunog dakong alas-11 ng gabi habang natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay na sinasabing pagawaan ng kutson.

Nabatid na hindi na nakalabas pa ang mga biktima dahil sa pagkalat ng apoy sa nabanggit na lugar kung saan mabilis naman na rumesponde ang mga miyembro ng pamatay-sunog.

Tumagal ng ilang oras ang sunog bago maapula at natagpuan ang limang miyembro ng pamilya na magkakasama sa kuwarto.

Sa inisyal na imbestistigasyon, lumilitaw na electrical short circuit ang isa sa dahilan ng sunog habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

vuukle comment

ALVIN

ANASTACIO PARINA

BARANGAY SANTIAGO OLD

BATAY

CAMARINES SUR

ERLINDA

KABILANG

LEGAZPI CITY

MALAGIM

NORMIDA PARINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with