^

Probinsiya

Rider binoga ng karnaper

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines — Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na kawani ng burger company matapos na barilin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki na umagaw sa kanyang motorsiklo sa Maharlika Highway, Barangay Isabang, Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Lucena United Doctors Hospital si Ryan Jebulan, head inventory management ng Big Mak Incorp. at residente ng Barangay Isabang. Ayon kay SPO3 German Merle, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo (8969-WF ) sa nabanggit na lugar upang ihatid ang kasamang si Edward de Ramos. Subalit dumating ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at sapilitang inagaw ang sasakyan ng biktima. Nang pumalag ang biktima ay binaril ito ng isa sa suspek saka tinangay ang kanyang motorsiklo.

vuukle comment

AYON

BARANGAY ISABANG

BIG MAK INCORP

GERMAN MERLE

LUCENA CITY

LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL

MAHARLIKA HIGHWAY

MALUBHANG

NAISUGOD

RYAN JEBULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with