Pangulo ng transport group itinumba

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Napaslang ang isang 48-anyos na pa­ngulo ng jeepney association matapos barilin ng nag-iisang ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay 7-C sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Leo­nard Luna, hepe ng San Pablo City PNP ang napatay na si Raphael Villapando, tubong Candelaria, Quezon at pangulo ng Candelaria-San Pablo Jeepney Association.

Ayon sa police report, nakatambay si Villapando sa kanilang terminal sa Paulino Street nang lapitan at pagbabarilin bandang alas- 7:10 ng gabi.

Isinugod pa sa ospital si Villapando pero idineklarang patay dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at leeg.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong awayan sa pagitan ng pinamumunuang  asosasyon ng biktima at isa pang jeepney transport group ang isa sa motibo ng krimen.

Show comments