^

Probinsiya

Mister tsinap-chop, isinilid sa sako

- Cezar Ramirez -

BAUTISTA, Pangasinan, Philippines — Sinakmal ng sindak ang mga residente matapos na matagpuan ang pinagputul-putol na bangkay ng isang hindi pa nakilalang mister na isinilid sa sako saka itinapon sa kalsada malapit sa sementeryo sa Brgy. Kitegan ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Sinabi ng pulisya na ang katawang walang ulo ay nakita sa isang sako samantalang ang mga kamay at paa ay sa isa pang sako.

Base sa ulat na nakalap, may tattoo na “NEW JERSEY” sa kaliwang braso at korteng rosas sa kaliwang dibdib at “RABBIT” sa kanang dibdib.

Pinaniniwalaan namang itinapon lamang dito ang bangkay matapos itong patayin sa ibang lugar upang ilihis ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Tinatayang may taas na 5’4” ang biktima at may edad sa pagitan ng 25 hanggang 30 taon at may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng likod nito.

Nagsasagawa pa rin ng masusing pagsisiyasat ang pulisya hinggil sa kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

vuukle comment

BRGY

KALIWANG

KITEGAN

NAGSASAGAWA

PANGASINAN

PINANINIWALAAN

SINABI

SINAKMAL

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with