^

Probinsiya

Amo inutas ng helper

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Isang 41-anyos na negosyante ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang helper sa loob ng tindahan sa pamilihang bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon.

Napuruhan ng labinsiyam na saksak sa katawan si Alejandro Mateo, kapatid ni ex-Mayor Jesus Mateo at nakatira sa Brgy. Caypombo habang nasakote naman ang suspek na si Allan Parcon, 18, tubong La Carlota, Bacolod City, ng Sitio Luwasan, Brgy. Sta. Clara.

Ayon kay PO2 Rex Belli Tamani, abala ang suspek sa pagsasalansan ng mga paninda sa Arms Grocery store nang sitahin ng kanyang amo. Nagpaliwanag naman ang suspek sa akusasyon ng kanyang amo na mali ang pagkakasalansan subalit nagalit ang biktima at pinukpok ito ng de-lata sa ulo.

Dito na nagdilim ang paningin ng suspek at inundayan ng saksak ang kanyang amo na nasa ikatlong palapag ang grocery.

vuukle comment

ALEJANDRO MATEO

ALLAN PARCON

ARMS GROCERY

AYON

BACOLOD CITY

BRGY

LA CARLOTA

MAYOR JESUS MATEO

REX BELLI TAMANI

SITIO LUWASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with