^

Probinsiya

Bus vs Jeepney: 3 dedo, 2 grabe

Nila - Ed Casulla at Joy Cantos -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Tatlo-katao ang humabol sa All Saint’s Day habang dalawang iba pa ang grabeng nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong bus at jeepney sa highway ng ba­yan ng Ragay, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Ins­pector Samuel Alforte, isa sa mga namatay ay ang drayber ng jeepney na si Vicente Eva at dalawang pasahero nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan ha­bang patuloy naman ginagamot sa Maria Eleazar Hospital sa bayan ng Tagkawayan si Aries Nieva at isang tinukoy sa pangalang Marilou.

Base sa imbestigasyon, nagbanggaan ang Amihan Transit Bus (DVJ 576) at pampasaherong jeepney (DSK 177) sa Andaya Highway sa Barangay Godofredo Reyes Sr.

Nabatid na ang bus na patungong Maynila ay ga­ling sa Naga City habang ang jeepney ay galing naman sa Calauag, Quezon na patungong lungsod ng Naga sa Bicol Region.

Hindi nagawang kontrolin ng driver ng bus na patungong Maynila mula sa Naga City kaya sumalpok sa kasalubong na jeepney na patungo naman sa Naga mula sa bayan ng Calauag, Quezon.

vuukle comment

ALL SAINT

AMIHAN TRANSIT BUS

ANDAYA HIGHWAY

ARIES NIEVA

BARANGAY GODOFREDO REYES SR.

BICOL REGION

CALAUAG

CAMARINES SUR

MARIA ELEAZAR HOSPITAL

NAGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with