^

Probinsiya

Doktor sinunog ng lover

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 44-anyos na doktor na sinasabing bading kung saan sinunog ang bangkay nito ng kanyang lover sa bi­si­nidad ng Barangay La Purisima sa bayan ng Ocam­po, Camarines Sur noong Martes ng ma­da­ling-araw.

Natagpuan ng pulisya ang sunog na katawan ni Dr. Romulo Jose Bernardino ng Bicol Medical Center, tubong Novaliches, Que­zon City at pansaman­talang nakatira sa Don Mariano Village, Molave St. Magsaysay, Naga City.

Samatala, sa follow-up operation ng pulisya, na­aresto naman ang isa sa dalawang suspek na si Tristan Jay Bado, 18, ng Zone 5, San Felipe habang tugis naman ang sinasa­bing lover na si Daniel Me­dinilla, 18 , ng Zone 1 Bara­ngay Calauag, Naga City.

Si Dr. Bernardino ay napaulat na nawawala noong Sept.14 ng ma­daling-araw sa kanyang tinutuluyan na apartment kung saan huling nama­taang kasama si Medinilla.

Narekober naman ang sasakyang Honda City ng biktima na nakaparada sa D’ Tent Bar Grill sa Pena­ran­da St. sa Naga City.

Kasunod nito, sumuko naman kay SPO1 William Quiniano ang suspek na si Bado noong Biyernes ng madaling-araw dahil hindi mapagkatulog sa gina­wang krimen at isinalaysay ang buong pangyayari.

Lumilitaw na si Medinilla na sinasabing lover ng biktima ang responsable sa krimen kung saan pinag­bantaang papatayin din si Bado kapag hindi nakiisa para sunugin ang bangkay ng doctor.

Nabatid na pinagtulu­ngang ng dalawang suspek na dalhin ang bangkay ng biktima mula sa tinutulu­yang apartment bago su­nugin at abandonahin sa lib­lib na palayan sa na­banggit na barangay kung saan nadiskubre naman ng ilang residente.

vuukle comment

BADO

BARANGAY LA PURISIMA

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

DANIEL ME

DON MARIANO VILLAGE

DR. BERNARDINO

DR. ROMULO JOSE BERNARDINO

NAGA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with