^

Kahero ng Cebuana hinoldap

- Arnell Ozaeta () - September 12, 2010 - 12:00am

BATANGAS, Philippines   — Tinata­yang aabot sa P.740 mil­yong cash ang natangay sa area cashier ng Cebuana Lhuiller Pawnshop maka­raang itong holdapin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Ta­nauan City, Batangas ka­makalawa.

Kinilala ni P/Supt. Ma­nuel Manalo, hepe ng Ta­nauan City PNP ang bikti­ma na si Joel Sabayton, 28, ng Sto. Tomas, Batangas. Ayon sa police report, ka­tatapos lang mag-withdraw ni Sabayton ng P740,000 sa BPI Tanauan Branch nang ma­sun­dan ito ng grupo ng kalala­ki­han habang sakay ng pam­pa­­saherong jeepney patu­ngong bayan ng Sto. To­mas bandang alas-4:30 ng hapon. Pagsapit sa panulukan ng Castillo at N. Gonzales Street doon nag­deklara ng hold-up ang 2 armadong lalaki at inagaw ang backpack ni Sabayton kung saan naka­lagay ang pera. Patuloy na­man ang im­bestigasyon sa naganap na insidente.

AYON BATANGAS CEBUANA LHUILLER PAWNSHOP GONZALES STREET JOEL SABAYTON KINILALA SABAYTON SHY STO TANAUAN BRANCH
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with