^

Probinsiya

Bahay ng ex-mayor niratrat

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo ang bahay ng isang dating alkalde sa Poblacion Sur, Bayambang, Pangasinan nitong Biyernes ng gabi. Batay sa ulat, naganap ang insi­dente sa nasabing lugar bandang alas-11:45 ng gabi. Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang dalawang suspek na magkaangkas sa kulay pulang Honda 155 motorcycle. Pagtapat sa tahanan ni dating Mayor Leo­cadio de Vera Jr., ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga sus­­pek ang bahay ng pamilya nito. Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Wala namang iniulat na na­sugatan sa insidente pero lumikha ito ng matinding takot sa panig ng pamilya ni de Vera. Kasalukuyan pang iniim­bestigahan ng pulisya ang kasong ito.

vuukle comment

AYON

BATAY

BAYAMBANG

BIYERNES

KASALUKUYAN

MATAPOS

MAYOR LEO

PAGTAPAT

POBLACION SUR

VERA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with