^

Probinsiya

2 Vietnamese lunod sa beach

- Nila Tony Sandoval at Joy Cantos -

QUEZON, Philippines  — Trahedya ang sumalubong sa masa­yang pamamasyal mata­pos malunod ang dala­wang estudyanteng Vietnamese sa beach resort sa Barangay Guisguis, Sa­riaya, Quezon kama­kalawa.

Idineklarang patay sa Greg Hospital sina Main Chinch Quoc Nguyen, 29; at si Diep Thi Ngoc Ngu­yen, 23, kapwa estudyante ng Southern Luzon State University sa bayan ng Lucban, Quezon.

Sa ulat ni SPO1 Ed­gardo Garcia na ipinarating kay P/Supt. Vilmor Man­zano, hepe ng pulisya, lumilitaw na nagkukuhanan ng larawan sa may dalam­pasigan ang dalawa nang abutan ng high tide sa Da­lampasigan Beach Resort bandang alas-5 ng hapon.

Napag-alamang tina­ngay ng malakas na alon ang dalawa hanggang sa tuluyang maglaho sa ma­lalim na bahagi ng kara­gatan.

Tinangka ng lifeguard na si Henry Pedroza na sagipin ang dalawa pero nabigo ito.

Ilang oras pa ay lumu­tang ang katawan ng da­lawa at bagaman na­gawa pa ang mga itong isugod sa os­pital ay hindi na na­aga­pan pa ang buhay.

vuukle comment

BARANGAY GUISGUIS

BEACH RESORT

DIEP THI NGOC NGU

GREG HOSPITAL

HENRY PEDROZA

MAIN CHINCH QUOC NGUYEN

QUEZON

SHY

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY

VILMOR MAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with