^

Probinsiya

Magsasaka todas sa rebel returnee

- Ni Jonie Capalaran -

BATAAN, Philippines  — Ipinamalas ng isang rebel returnee ang kahusayan nito sa baril matapos mapatay ang magsasaka sa naga­nap na pakikipagpalitan ng putok sa bahagi ng Barangay Maria Fe sa bayan ng Orani, Bataan ka­­maka­lawa ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan si Jessie Rodell, 50, magsasaka, ng Sityo Talahib, Barangay Mulawin samantala, dalawang bala naman sa hita ang tuma­ma kay Alberto “Ka Benjie” Payumo, rebel returnee, ng Brgy. Pantalan Luma.

Sa police report na na­karating kay P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, nama­ma­­sada ng traysikel si Payumo nang nakasalu­bong si Ro­dell na naka­matorsiklo sa bahagi ng Maria Fe Subdivision.

Dito na nagkahabulan kung saan pinagbabaril ni Rodell si Payumo na tina­maan naman sa hita.

Nakapagkubli naman si Payumo sa bahay ng pa­milya Nebri subalit lingid kay Rodell ay may baril din ang una kaya nagkabarilan ang dalawa.

Bantay-sarado naman ang pulisya kay Payumo sa Bataan General Hospital habang nagpapagaling.

vuukle comment

ARNOLD GUNNACAO

BARANGAY MARIA FE

BARANGAY MULAWIN

BATAAN GENERAL HOSPITAL

JESSIE RODELL

KA BENJIE

MARIA FE SUBDIVISION

PANTALAN LUMA

PAYUMO

RODELL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with