^

Probinsiya

Vice mayor binoga sa sementeryo

-

BATANGAS , Philippines  — Kasalu­kuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang vice mayor samantalang napa­tay naman ang kanyang bodyguard matapos na pagba­ba­rilin ng mga ‘di-pa k­ilalang lalaki sa loob ng sementeryo sa bayan ng Ta­­li­say, Batangas kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Ar­cadio Ronquillo, Batangas Public Information Officer, dumalo si Vice Mayor Flo­ren­cio Manimtim Jr. sa libing ng kanyang ama sa Talisay Municipal Ceme­tery sa Barangay Pobla­cion nang lapitan at pag­babarilin.

Ayon sa ulat, nilapitan at binaril ng dalawang lalaki si Vice Mayor Ma­nimtim ha­bang naka­talikod sa pun­tod ng kan­yang ama ban­dang alas-11:30 ng umaga.

Bago pa makaporma ang mga bodyguard ni Ma­nimtim, agad din silang pi­nagbabaril kung saan na­puruhan at napatay si Guil­lermo Macaraig, 57, ng Ba­rangay Cale, Tanauan City.

Sugatan naman si Joel Caringal, 32, ng Brgy. Sam­paloc, Talisay.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Manimtim na tumagos sa mukha at ka­salukuyang nasa Mercado Hospital sa Tanauan City.

“Walang nakapansin sa barilan kasi mukhang isi­nabay ang pamamaril sa pagputok ng 21-gun salute,” pahayag ng isa sa nakasaksi sa insidente.

Nabatid na binigyan ng full military honour sa libing ang ama ng vice-mayor na si Florencio Manimtim Sr. na isang retiradong opisyal ng Philippine Air Force.

Napag-alamang si Vice Mayor Manimtim ay ina­kusahan nag-apruba ng maanomalyang pagtatayo ng Korean SPA sa bu­nga­nga ng bulkang Taal.

Si Vice Mayor Manim­tim ay nanalo sa vice mayoralty race laban kay Jerry Natanauan noong May 10, 2010 elections kung saan naghain ng protesta si Na­tanauan at kasaluku­yang dinidinig sa Tanauan Regional Trial Court dahil sa tat­long boto lamang ang ka­lamangan ni Manimtim.

vuukle comment

AYON

BARANGAY POBLA

BATANGAS PUBLIC INFORMATION OFFICER

FLORENCIO MANIMTIM SR.

JERRY NATANAUAN

JOEL CARINGAL

MANIMTIM

MANIMTIM JR.

MERCADO HOSPITAL

SHY

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with