^

Probinsiya

Misis na tulak itinumba

- Ni Christina Timbang -

CAVITE, Philippines – Patay agad ang isang ginang na umano’y kilalang tulak ng droga sa kanilang lugar matapos na pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki sa bayan ng Rosario ng lalawigang ito kamakalawa. Sa ulat ni P/Supt. Manuel Pla­cido, hepe rito, kinilala ang biktima na si Elizabeth Le­desma alias “Macau”, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Sapa 2 ng bayang nabanggit habang mabilis na­mang tumakas ang suspek dala ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen. Sa imbestigasyon ng pulisya dakong ala-1 ng hapon habang nakaupo sa kanilang balkonahe ang biktima ay bigla na lamang itong nila­pitan ng suspek at walang sabi-sabing binaril ng mala­pitan sa dibdib. Ang suspek ay mabilis na tumakas mata­pos ang insidente. Nabatid na kilalang tulak ang biktima na kasama sa drug watchlist at minsan na itong nahuli ngunit nakalaya ng magpi­yansa.

vuukle comment

BARANGAY SAPA

BIKTIMA

ELIZABETH LE

HABANG

MACAU

MANUEL PLA

NABATID

PATAY

SHY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with