^

Probinsiya

3 holdaper dedo sa shootout

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Tatlong lalaki na sinasabing notoryus na hol­daper ang napaslang ma­tapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa ba­hagi ng Barangay Sole­dad sa San Pablo City, Laguna kamakalawa.

Dalawa sa tatlong na­paslang ay nakilalang sina Andy Tolentino ng Baran­gay Santa Monica at Joel Deo ng Barangay San Antonio, San Pablo City.

Kasalukuyan pang bi­neberipika ang pagkiki­lanlan ng ikatlo na may edad sa 30 hanggang 35-anyos, naka-orange t-shirt, maong pants, brown complexion at katamtaman ang pangangatawan.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Manolito Labador, naglalakad si Ryan Belarde sa kahabaan ng Rizal Ave­nue nang harangin at holdapin ng tatlo na sakay ng motorsiklo bandang alas-3:45 ng hapon.

Natangay sa biktima ang cell phone at P1,000 cash bago tumakas ang tatlo patungo sa direksyon ng Maharlika Highway.

Agad namang humingi ng saklolo si Belarde sa pulisya at nakorner ang tatlo sa bisinidad ng Ba­rangay Soledad.

Subalit imbes na sumu­ko, ay nagawa pang maki­pagbarilan ang tatlo sa mga humahabol na pulis na naging mitsa ng kanilang kamatayan.

Narekober sa tatlo ang dalawang baril na ginamit sa shootout, cellphone at pera ng biktima.

vuukle comment

ANDY TOLENTINO

BARANGAY SAN ANTONIO

BARANGAY SOLE

JOEL DEO

MAHARLIKA HIGHWAY

MANOLITO LABADOR

RIZAL AVE

RYAN BELARDE

SAN PABLO CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with