^

Probinsiya

2 holdaper todas

-

MANILA, Philippines - Dalawang armadong lalaki na sinasabing notor­yus na miyembro ng hol­dap gang ang iniulat na napatay mata­pos na ma­kipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa bisini­dad ng Barangay Batino sa Calamba City, Laguna ka­hapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Senior Supt. Manolito Labador, director ng Laguna police, naganap ang shootout sa kahabaan ng Batino at Mapayapa Road sa nabanggit na ba­rangay da­kong alas-2:30 ng ma­daling-araw.

Lumilitaw na nakatang­gap ng flash alarm ang Ca­ lamba PNP hinggil sa snatch­­ing ng bag na kina­sasangkutan ng dalawang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo.

Agad naman nagres­ponde ang mga tauhan ng pu­lisya lulan ng mobile car kung saan naispatan ang dalawa na lulan ng mo­torsiklo.

Gayon pa man, sa halip na sumuko matapos ma­kor­ner ng mobile patrol car #09 ay pinaputukan ng mga suspek ang kaliwang windshield ng police car na humantong sa shootout.

Sa kasagsagan ng putu­kan ay duguang bumulag­ta ang dalawa na pawang ina­alam pa ang pagkaka­kilanlan.

Narekober sa crime scene ang isang cal. 45 pis­tol, isang patalim, mo­tor­siklo at ang handbag na tinangay mula sa ka­nilang biktima. Joy Cantos at Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY BATINO

CALAMBA CITY

DALAWANG

JOY CANTOS

MANOLITO LABADOR

MAPAYAPA ROAD

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with