Pulis dedo sa heat stroke
MANILA, Philippines - Isang pulis na nagsisilbing VIP security escort ng isang bise alkalde ang nasawi matapos itong atakehin ng heat stroke sa Barangay West Poblacion, Pantabangan, Nueva Ecija kamakalawa.
Dead on arrival sa Pantabangan Rural Health Clinic ang biktimang si SP01 Leonardo Agustin Alop, miyembro ng San Jose City Police Office at nakatalaga bilang VIP security ni Vice Mayor Mario Salvador.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) 3, bandang ala-1:20 ng hapon nang bigla na lamang matumba at kapusin sa paghinga si Alop habang ginagampanan nito ang kanyang trabaho kay Vice Mayor Salvador.
Mabilis na isinugod sa pagamutan si Alop pero nabigo ng maisalba pa ang buhay nito. Lumilitaw na man sa inisyal na pagsusuri na heat stroke ang ikinamatay ng nasabing biktima.
- Latest
- Trending
















