^

Rookie cop inutas ng maton

- Joy Cantos () - June 1, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kamatayan ang suma­lubong sa isang bagitong pulis na sinasabing rumes­ponde sa kaguluhan maka­raang pagsasaksakin ng isa sa mga maton na nang­gu­gulo sa bisinidad ng Ba­ran­gay Mansilingan, Baco­lod City, Negros Occidental kamakalawa.

Walong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang tumapos sa buhay ni PO1 Engelbert Gaudanan ng presinto 7 kung saan na­isugod na ito sa Bacolod Ad­ventist Medical Center.

Lumilitaw na rumes­ponde ang mga operatiba ng presinto 7 kabilang na ang biktima kaugnay sa kagulu­han sa kahabaan ng Jaime Street, sa Brgy. Mansilingan na kagagawan ng grupo ng suspek na si Gilbert Ba­tayula.

Gayon pa man, habang inaaresto ang mga suspek, ay kinuyog si PO1 Gaudana kung saan pilit inaagawan ng baril saka pinagsa­saksak.

Nagawa pa ring ma­i­putok ni Gaudana ang kani­yang baril kung saan tina­maan si Batayula at nga­yon ay nasa Corazon Loc­sin Mon­telibano Memorial Hospital. Kalaboso naman ang dalawang kasamahan ni Batayula na sina Rafael Hipti at Ryan Juano.

BACOLOD AD BATAYULA CORAZON LOC ENGELBERT GAUDANAN GAUDANA GILBERT BA JAIME STREET MANSILINGAN MEDICAL CENTER SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with