^

Probinsiya

Bodyguard ng mayor elect itinumba

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Napaslang ang isang 35-anyos na close-in bodyguard ni San Pablo City Mayor-elect Vicente Amante matapos pagba­ba­rilin ng mga ‘di-pa kila­ lang lalaki sa nabanggit na lung­sod, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, ang napatay na si Jefferson Bicomong ng Barangay San Roque, San Pablo City, Laguna.

Ayon sa police report, lumilitaw na katatapos lang mamili ni Bicomong sa Ro-An Grocery store sa M. Basa Street, Barangay 7 nang lapitan at paputukan ng baril bandang alas-3:50 ng hapon noong Biyernes.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang ulo, mukha at katawan kung saan isinu­god sa Pagamutang Panla­lawigan ng Laguna subalit ideneklarang patay pag­dating sa emergency room.

Mabilis na nakatakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo kung saan pina­niniwalaang may ki­ nala­man sa pulitika ang motibo.

vuukle comment

BARANGAY SAN ROQUE

BASA STREET

JEFFERSON BICOMONG

MANOLITO LABADOR

PAGAMUTANG PANLA

RO-AN GROCERY

SAN PABLO CITY

SAN PABLO CITY MAYOR

SENIOR SUPT

SHY

VICENTE AMANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with