^

Probinsiya

7 tiklo sa gun ban

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pito-katao kabilang ang isang municipal councilor ang inaresto ng pulisya makaraang makumpis­kahan ng mga baril sa inilatag na Comelec checkpoint sa Barangay Alaoa sa bayan ng Tineg, Abra kamakalawa.

Kabilang sa mga naaresto ay sina Councilor George Tagui­nod ng Lagayan, Abra; Ludring Siguera, Jenrick Palas na kapwa nakatira sa Pang-Ot Lagayan; Roger Baring ng Aloa Itneg; Michael Altaa ng Sta Rosa, Bangued; Louie Parado ng Zone 4, Bangued; at si Alcedo Banat ng Agsimao Tineg. Naaresto ang mga suspek habang lulan ng sasakyang military type na may plakang RJU-838 na sinasabing pag-aari ni Cromwell Luna, mayoral bet ng Tineg Abra.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang M-16 Armalite rifle, baby Armalite, calibre 45 pistola, dalawang rifle granade; 13-magazines ng M-16; at isang magazine para sa cal. 45 at iba’t ibang uri ng bala.

ABRA AGSIMAO TINEG ALCEDO BANAT ALOA ITNEG ARMALITE BANGUED BARANGAY ALAOA COUNCILOR GEORGE TAGUI CROMWELL LUNA JENRICK PALAS LOUIE PARADO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with