^

Probinsiya

Drayber ng mayor inutas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang driver ng mayoral bet ang iniulat na napas­lang makaraang magba­rilan ang magkalabang kan­didato ng magkrus sa bisinidad ng Barangy Cosili sa bayan ng Bangued, Abra noong Hu­webes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Mario Acena, driver ni mayoralty candidate Ryan Luna matapos mapuruhan ng bala ng baril mula sa kampo ng kalabang mayoralty bet Domino Valera, na sinasa­bing anak ng incumbent Mayor na si Dominic Valera.

Sa phone interview, si­nabi ni Col. Essel Soriano, commander ng Army’s 503rd Brigade, naganap ang sagu­paan dakong alas-9:30 ng umaga sa ka­habaan highway ng na­banggit na ba­rangay.

Ayon sa imbestigasyon, lumilitaw na masyadong ma­lakas magpatugtog ng jingle na lulan ng truck ni Luna kaya naistorbo ang campaign rally ng kalabang gru­po ng Valera. Dahil sa mainit na tensi­yon sa pagitan ng mga Va­lera at Luna ay pinagba­baril ng grupo ng una ang truck ng huli kaya napu­ruhan na­man si Acena.

Isa sa ilang lalawigan ang Abra ay idineklarang hot­spots ng Comelec ka­ugnay ng gaganaping halalan sa Mayo 10.

vuukle comment

ABRA

ACENA

AYON

BARANGY COSILI

DOMINIC VALERA

DOMINO VALERA

ESSEL SORIANO

MARIO ACENA

RYAN LUNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with