2 sekyu nilikida
- Ni Cristina Timbang () - April 25, 2010 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Dalawang security guard ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga di-pa kilalang kalalakihan sa bahagi ng Hills View Subdivision, Sitio Lontoc sa Brgy. Timalan, Balsahan, Naic, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Reynald Lacsa, 19; at Roberto Bungay, 37, kapwa security guard ng Aircobra Secu­rity Agency. Base sa police report, tatlong armadong kalalaki­han na nakasuot ng sekyu ang nagpunta sa guard house ng mga biktima kung saan nagtanong pa kung may nakitang magnanakaw. Matapos sabihin ng mga biktima na wala silang nakitang kahit sinuman ay umalis na ang tatlo. Nabatid na nag-usap-usap sa di-kalayuan ang tatlo at nang bumalik ay pinagbabaril na ang mga biktima.

AIRCOBRA SECU BALSAHAN BRGY CAVITE DALAWANG HILLS VIEW SUBDIVISION KINILALA REYNALD LACSA ROBERTO BUNGAY SITIO LONTOC
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with