Brodkaster itinumba
MANILA, Philippines - Isa na namang radio reporter/brodkaster ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin ng ’di-pa nakilalang lalaki sa panibagong extra-judicial killing laban sa mga mamamahayag sa Ozamis City, Misamis Occidental noong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Edwin Segues ng dxSY, barangay konsehal at nakatira sa Barangay San Antonio ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa kahabaan ng Don Anselmo Bernad Avenue dakong alas-4 ng hapon.
Napag-alamang ipinarada ng biktima sa kaniyang kotse nang biglang lapitan at ratratin ng ’di-pa kilalang gunman.
Nabatid sa pulisya na nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima kaugnay ng mga pagtuligsa nito sa kanyang pagre-report sa nasabing himpilan ng radyo kaugnay sa nalalapit na May 10 polls.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunmen.
- Latest
- Trending























