^

Probinsiya

Mag-utol itinumba

-

BULACAN, Philippines  – Pinani­ni­walaang onsehan sa par­tihan ng malaking halaga na nakulimbat ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang magkapatid na lalaki sa panibagong karahasang naganap kahapon ng umaga sa liblib na bahagi ng Barangay Buhol-na-Mangga sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan kaha­pon ng umaga. 

Sa ulat ni P/Supt. Jesus Reyes kay P/Senior Supt. Fernando Villanueva, kini­lala ang mag-utol na sina Rudy Mendoza, 31; at Randy Mendoza, 25, kapwa nakatira sa nabang­git na barangay.

Ayon sa police report, nag-uusap ang mag-utol sa bakuran ng kanilang bahay nang huminto at pagba­barilin ng grupo ng kalala­kihan lulan ng puting Toyota Sedan na walang plaka.

Napag-alamang hindi na interesado ang mga ka­anak ng mag-utol sa anu­mang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa na­ganap na pamamaslang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang magkapatid ay miyembro ng robbery-hol­dap gang na nag-ooperate sa Bulacan kung saan sinasabing onsehan sa par­tihan ng mga naku­limbat na pera at iba pang ari-arian ang isa sa motibo ng krimen. Boy Cruz

vuukle comment

BARANGAY BUHOL

BOY CRUZ

BULACAN

FERNANDO VILLANUEVA

JESUS REYES

RANDY MENDOZA

RUDY MENDOZA

SAN ILDEFONSO

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with