^

Probinsiya

Vice gubernatorial bet itinumba

-

ZAMBALES , Philippines   — Kamata­yan ang sumalubong sa isang vice gubernatorial bet maka­raang ratratin ng mga ’di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Mabanglit sa bayan ng Ca­bangan, Zambales kamaka­lawa ng umaga.

Napuruhan sa mukha si Willie Viloria, 45, independent candidate dahil ang partidong Alpha Omega 9K Aklat ng Buhay na kanyang kinaaniban ay ibinasura ng Comelec.

Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Insp. Jose Arca, umi­inom ng kape ang biktima ka­sama ang asawa nitong si Cherie, at dalawang anak na lalaki sa loob ng kanilang tahanan nang pumasok ang dalawang armadong lalaki.

Narinig naman ni Cherie at ng dalawang anak ang pinag-uusapan ng tatlo kung saan ang isa ay nagtanong kung nasaan ang bag sabay na pinagbabaril sa mukha ang biktima.

Tinangay ng mga suspek ang shoulder bag ng biktima na sinasabing naglalaman ng P2 milyon. Randy V. Datu

vuukle comment

AKLAT

ALPHA OMEGA

AYON

BRGY

BUHAY

COMELEC

DATU

JOSE ARCA

RANDY V

WILLIE VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with