Eskuwelahan sinilaban

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos na sunugin ng mga armadong kala­lakihan ang pampublikong eskuwelahan sa Barangay Gaid, sa bayan ng Dimasalang, Masbate kamakalawa.

Batay sa ulat, nabulabog ang mga residente matapos sumiklab ang eskuwelahan na sinasabing gagamiting poll precinct ng Comelec sa Mayo 10 national elections. Bunga nito, ay mapi­pilitang magklase sa ilalim ng mga punong-kahoy ang mga estudyante.

Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng militar at pulisya ang mga aarmadong lalaki kung saan narekober ang ilang container na pinaglagyan ng gasolina. Joy Cantos

Show comments