^

Probinsiya

Buntis ni-rape slay

-

BULACAN, Philippines — Brutal na ka­matayan ang sinapit ng isang babaeng buntis na pi­naniniwalaang may ka­pansa­nan sa pag-iisip ma­karaang gahasain at binigti pa ng ‘di-kilalang lalaki saka itinapon sa ilog sa Baran­gay Ibayo sa bayan ng Ma­rilao, Bulacan kama­ka­lawa.

Inilarawan ni PO2 En­rique Areja ang biktima na nasa edad 25 hanggang 30-anyos, mahaba ang buhok, katamta­man ang pangangatawan, naka­sando at walang saplot sa ibabang bahagi ng ka­tawan. Bandang alas-8 ng umaga kahapon nang ma­tag­puan ng mga residente ang bang­kay ng biktima na na­kalutang sa ilog sa nabang­git na ba­rangay.

Lumilitaw sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na may limang buwang buntis ang biktima at may palatan­daang hina­lay at binigti bago itinapon sa ilog. Ayon sa pu­lisya, huling na­mataang bu­hay ang biktima sa bahagi ng Barangay Ibayo ilang oras bago matagpuang patay.

Kasalukuyang nakala­gak ang mga labi ng bikti­ma sa punerarya sa Baran­gay Lo­lomboy kung saan patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya. Boy Cruz at Dino Balabo

vuukle comment

AREJA

AYON

BANDANG

BARAN

BARANGAY IBAYO

BOY CRUZ

BULACAN

DINO BALABO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with