^

Probinsiya

Tollway mishap: 2 todas, 10 sugatan

-

BATANGAS, Philippines – Dala­wang sibilyan ang kumpir­madong namatay kabilang na ang 5-anyos na babae samantalang sampung iba pa ang sugatan makaraang tumaob ang van sa kaha­baan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway na sakop ng Barangay Pusil sa Lipa City, Ba­tan­gas kahapon ng tanghali.

Kinilala ni Carlito Ame­rica, security officer ng Star Tollway ang mga nasawi na sina Bernardo “Nanding” Lopez, 49, ng Brgy. Bubog, San Jose, Occidental Min­doro at Liechiel Padilla, 5, ng Brgy San Roque, San Jose, Occidental Mindoro.

Naisugod naman sa Mary Mediatrix Hospital ang mga sugatang sina Polito Ponla, driver ng van; Racquel Padilla, 40; Joeli Padilla, 42; Alexander Paz, 14; Mimi Lopez, 48; Jay-Vee Lopez, 15; Raychel Paz, Linda, 30; Michelle May, 11; Mylene, 5; pa­wang may apelyidong Ponla at si Lydia Jacinto na pa­wang nakatira sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon sa report, bina­bagtas ng mga biktimang lulan ng Hyundai van (ULF 606) ang northbound lane ng Star Tollway patungong Maynila mula sa Batangas nang sumabog ang huli­hang gulong nito kaya tu­maob ng ilang beses pag­sapit sa may KM 77 ban­dang ala-1:27 ng hapon.

vuukle comment

ALEXANDER PAZ

BARANGAY PUSIL

BRGY SAN ROQUE

CARLITO AME

JAY-VEE LOPEZ

JOELI PADILLA

OCCIDENTAL MINDORO

SAN JOSE

SHY

STAR TOLLWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with