^

Probinsiya

Sanggol kinatay ng ama

-

MANILA, Philippines - Mistulang sinapian ng ma­samang espiritu ang isang 24-anyos na ama ma­karaang mag-amok at tadtarin ng saksak ang kan­yang anak na 7-bu­wang gulang na babae habang apat iba pa ang ma­lubhang nasugatan sa na­ganap na trahedya sa bayan ng Hi­ni­garan, Negros Occi­­dental noong Lunes.

Kinilala  ni P/Senior Ins­pector Sonny Boy Ber­nus, hepe ng pulisya sa bayan ng Hinigaran ang suspek na si Joebert Mana-ay  ng Sitio Ba­labag, Barangay Can­du­marao ng nasabing bayan.

Naganap ang brutal na krimen sa tahanan ng pa­milya Mana-ay dakong alauna ng hapon kamaka­lawa matapos na mag­hura­mentado si Joe­bert na si­na­sabing nanlilisik pa ang mga mata.

Kinilala naman ang sang­gol na halos magutay ang katawan na si Kin-Kin habang nasa kritikal na kalagayan ang pamang­king sina Frederick John, 6; at Francis Art, 5; misis na si Jean at isa pang ka­mang-anak na si Francis Fernandez, 37.

Kasalukuyang ginaga­mot sa Corazon Locsin Monte­libano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City ang mga sugatan.

Pinag-aaralan naman ng pulisya ang pagsa­sampa ng ka­ukulang kaso laban sa suspek na sina­sabing may pagkukulang sa pag-iisip kung saan ginamit sa krimen ang pait na panglilok sa rebulto. Joy Cantos

vuukle comment

BACOLOD CITY

BARANGAY CAN

CORAZON LOCSIN MONTE

FRANCIS ART

FRANCIS FERNANDEZ

FREDERICK JOHN

JOEBERT MANA

JOY CANTOS

KINILALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with