3 NPA dedo, kumander dakma
MANILA, Philippines - Tatlong rebeldeng New People’s Army ang napaslang habang sugatan namang nabitag ang kanilang kumander makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Laak, Compostella Valley noong Sabado.
Kinumpirma kahapon ni Army’s 10th Infantry Division Commander Major Gen. Carlos Holganza, na si NPA Commander Elizalde Canete, alyas Ka Jinggoy na lider ng Guerilla Unit 3 ng Southern Mindanao Regional Command at sinasabing responsable sa pagbihag kay Army Lt. Vicente Camayo noong 2009.
Si Ka Jinggoy na may kasong multiple murder, frustrated murder, robbery with homicide at theft ay nakasagupa ng tropa ng 8th Special Forces Company ni 2nd Lt. Marcelino de Jesus sa Barangay LS Sarmiento. Narekober sa encounter site ang dalawang M16 Armalite rifles, M14 rifle at isang M653 rifle habang wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng militar. Joy Cantos
- Latest
- Trending