^

Probinsiya

Pre-New Year tragedy... Bus vs van: 4 todas, 6 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng bu­hay sa pagsalubong sa Ba­gong Taon ang apat na sibilyan makaraang salpu­kin ng pampasaherong bus ang van ng mga bik­ tima sa national highway ng Ba­rangay San Antonio, sa ba­yan ng Gerona, Tar­lac ka­hapon ng ma­daling-araw.

Kabilang sa mga na­ma­tay ay sina Marilou Galvez, anak nitong si Maricel Galvez, Joseph Galleros, driver ng van; at si Mila­grosa Mones na pawang negosyante sa Quiapo, Maynila at nakatira sa La Union.

Naisugod naman sa Jecson Hospital sa Tarlac City ang mga sugatang sina Greg Mones, Rogel Ro­mero, Juzz Orias, Michael Dalao, Gina Dalao at si Rey Romero.

Sa panayam kay P/Senior Supt. Rudy Lacadin, director ng Tarlac Provincial Police Office, lumi­ litaw na naitala ang tra­hedya bandang alas-4:45 ng ma­da­ling-araw sa na­banggit na highway kung saan bu­mabagtas ang Florida Bus Liner pa­tungong May­nila habang ang van na­man ay pa­tungong Baguio City.

Nabatid na tinangkang iwasan ng drayber ng van ang bus na inakupahan ang kabilang linya pakur­bada habang mula hila­gang Luzon subali’t mabilis na sumalubong si kama­tayan sa highway.

Gayon pa man, walang iniulat na nasaktan sa mga pasahero ng nabanggit na bus.

Sa presinto ng pulisya, inamin naman ng drayber ng bus na matinding antok ang dumapo sa kanya kung saan ilang segun­dong nakaidlip habang nag­mamaneho kaya sina­mantala naman ni kama­tayan.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple injuries at damage to property ang driver ng bus.

vuukle comment

BAGUIO CITY

FLORIDA BUS LINER

GINA DALAO

GREG MONES

JECSON HOSPITAL

JOSEPH GALLEROS

JUZZ ORIAS

LA UNION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with