^

Probinsiya

Nangalabit ng ibang misis kinatay sa inuman

-

BULACAN , Philippines  – Dahil sa pangangalabit at panghi­himas ng braso ng ibang misis, isang 37-anyos na mister ang pinag­sasaksak hanggang sa ma­patay ng kanyang kaibigang matalik kahapon ng tanghali sa bi­sinidad ng Barangay Ta­bing Ilog sa bayan ng Ma­rilao, Bulacan.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Jerry Martinez ng Northville lV sa Barangay Lambakin habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Jesus Catarman, 47, ng Sitio Bukid, Brgy. Tabing Ilog sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ricardo Salomon, lumilitaw na dumating ang biktima sa bahay ng sus­pek na lango na sa alak at pabirong naghahamon ng away.

Bagama’t magkaibigan ang dalawa ay nauwi na lamang sa inuman ng alak ang biruan at maging ang misis ng suspek na si Ella ay nakipagtunggaan na rin.

Dahil sa lango na sa alak ang biktima ay tina­bihan nito si Ella kung saan unti-unting hinihimas ang braso at kinakalabit sa baywang kung saan na­mataan naman ng suspek na lango na rin sa alak.

Dito na kinuha ng sus­pek ang matalim na itak bago isinagawa ang pama­maslang kung saan nabigla na rin si Ella sa ginawa ng kanyang mister laban sa kaibigan.

Napag-alaman din sa police report na may lihim na pagnanasa ang biktima sa misis ng suspek kung saan nabulgar lamang kahapon. Boy Cruz

vuukle comment

BARANGAY LAMBAKIN

BARANGAY TA

BOY CRUZ

DAHIL

ELLA

JERRY MARTINEZ

JESUS CATARMAN

RICARDO SALOMON

SHY

SITIO BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with