3 nalason sa pizza
MANILA, Philippines - Tatlong estudyante ang naospital matapos malason sa kinaing pizza at cake sa canteen ng kanilang kolehiyo sa General Santos City kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima na sina Sammy James Almonya, 18 ng Labangal; Karen Dagayutan, 18; at Carmela Lapas, 19.
Nagmemeryenda sa kantina ng isang kolehiyo sa lungsod ang tatlo at umorder ang mga ito ng cake at pizza kamakalawa ng hapon.
Matapos kumain ay nakaramdam na sila ng pananakit ng tiyan, ulo, pagsusuka, panghihina at matinding pagkahilo.
Bunsod nito ay agad na isinugod sa pagamutan ang tatlo sa mga staff ng nasabing kolehiyo.
Pinaniniwalaan namang panis na ang nakaing pizza at cake ng naturang mga estudyante na naging da hilan ng pagkalason ng mga ito. Joy Cantos
- Latest
- Trending
















