^

Probinsiya

Cargo truck hinaydyak, driver dedo

-

BATANGAS, Philippines – Sinik­wat ni kamatayan ang isang cargo truck driver saman­talang kritikal naman ang pahinante nito makaraang hijackin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang delivery truck sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas bago sila itinapon sa Carmona, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Inspector Egbert Tibayan, hepe ng Carmona police, ang napa­tay na si Rolando Saralde, 40, ng Albay sa­mantalang nasa malub­hang kalagayan naman ang truck helper na si Ryan Botin, 27, ng Cama­lig, Albay.

Sa police report, lumi­litaw na nagpapahinga ang dalawa sa rest area ng mga biyahero sa gilid ng national highway nang akyatin ng apat na arma­dong lalaki ang kanilang truck (ZDY-646) bandang alas-4 ng madaling-araw.

Sa salaysay ni Botin, itinapon na lang daw sila sa may madamong bahagi ng Governor’s Drive sa Ba­rangay Maduya sa Car­mona, Cavite matapos pag­babarilin.

“Nagpatay-patayan daw ‘yung helper ‘nung binaril siya sa leeg tapos kumilos na lang siya nung nakaalis na ang mga suspek,” ani Ti­bayan.

Naitakbo si Botin sa Philippine General Hospital matapos makahingi ng tu­long sa mga driver ng truck na nakaparada sa gilid ng highway, samantalang pa­tay naman si Saralde mata­pos barilin sa ulo. Arnell Ozaeta at Joy Cantos

vuukle comment

ALBAY

ARNELL OZAETA

BOTIN

CARMONA

CAVITE

CHIEF INSPECTOR EGBERT TIBAYAN

JOY CANTOS

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

ROLANDO SARALDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with