^

Probinsiya

'Week of mourning' idineklara sa Bacolod

-

BACOLOD CITY, Philippines – Ka­salukuyang nagdadalamhati ang taumbayan sa pagka­matay ng labimpitong si­bilyan sa naganap na sunog sa dalawang komunidad noong Lunes ng madaling-araw kung saan naabo ang may 59 kabahayan sa Ba­rangay 19 sa Bacolod City.

Sa inisyung executive order ni Mayor Evelio Leo­nardia, idineklarang san­linggong pagluluksa (week of mourning) simula Nob­yembre 2 hanggang 8 kung saan hinikayat ang mga Bacolenos na tumulong sa mga biktima ng trahedya.

Samantala, kinumpirma naman ni Fire chief Pamela Rojane Candido ang ika-17 bangkay na narekober sa sunog na si Annavic Celiz Ca­bajosa kung saan na­unang iniulat na nawawala.

Kabilang sa mga natusta sa sunog ay ang asawa ni Annavic na si Joselito, 28; mga anak na sina Carl Jo­ shua, 3; Analyn, 7; at Adah Pauline, 6; mag-utol na No­vie, 12; at BeeG, 6; Chavez, Josephine Nino, 42; Jo­velyn, 14; Ruel, 13 at ang 11-bu­wang apo ni Nino na si Rose­marie; boat janitor Junifer Demandar, 45; asa­wang manicurist na si Je­nalyn at anak na si Joshua, 10; Nica Amelda, 25; Eduar­da Abajero, 70; at si Napoleon, 40. 

Narekober ang sunog na mga katawan sa boarding house na pag-aari ni Margie Depakakibo kung saan sinasabing nagmula ang apoy.

Umaabot naman sa P4 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa naganap na sunog na nagsimula ban­dang alauna ng madaling-araw bago naapula dakong alas-4 ng madaling-araw kung saan 80 pamilyang naapektuhan ay nasa ba­rangay multi-purpose center.         

Sa panayam ng Aksyon Radyo kay fire officer Cor­nelio Silva, isa sa boarder na si Gloria Abrigo na sinasa­bing umigib ng tubig sa ba­lon ay nakalimutang patayin ang kandila na may sindi kung saan sinasabing na­tum­ba at nagsimulang kuma­lat ang apoy. Antonieta Lopez

vuukle comment

ADAH PAULINE

AKSYON RADYO

ANNAVIC CELIZ CA

ANTONIETA LOPEZ

BACOLOD CITY

CARL JO

GLORIA ABRIGO

JOSEPHINE NINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with