^

Probinsiya

Jeepney vs trike: 3 dedo, 5 sugatan

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawa at anak nilang ba­bae na sinasabing dadalaw sana sa puntod ng kanilang mahal sa buhay maka­raang salpu­kin ng pampa­sa­herong jeep­ney ang traysikel kamaka­lawa ng gabi sa Barangay Lewin sa bayan ng Lumban, Laguna.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, ang tatlong nasawi ay ang mag-asawang Lyor Fulo, Myra at ang anim na taong gu­lang na anak na si Kyle na pawang nakatira sa Mon­serrat Village, Ba­rangay Sto. Angel sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Sugatan naman sina Carliza Rebenque, 14; Frau­lin Miguel, 22; Cecil Reben­que, 10; Ivan Fulo, 3; at si Juan Fulo na naisu­god sa Paete General Hospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng traysikel ang mga biktimang patu­ngong sementeryo nang sumabog ang gulong ban­dang alas-11:30 ng gabi.

Napag-alamang itinu­tulak na ng mga biktima ang traysikel patungo sa pinakamalapit na vulcani­zing shop nang araruhin sa likod ng pampasaherong jeepney (DXH-143) ni Adrian Magana.

Tumakas si Magana matapos ang aksidente pero sumuko rin kay Atty. Magi Magana at Mayor Wilfredo Paraiso makalipas ng ilang oras. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ADRIAN MAGANA

ARNELL OZAETA

BARANGAY LEWIN

CARLIZA REBENQUE

CECIL REBEN

IVAN FULO

JUAN FULO

LYOR FULO

MAGI MAGANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with