^

Probinsiya

Mayoralty bet itinumba

-

BATANGAS, Philippines – Naglaho ang mataas na pangarap ng isang negosyante na sinasa­bing sasabak sa mayoralty race sa May 2010 ma­karaang mapatay sa pana­nam­bang ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa ba­yan ng San Pascual, Batan­gas na ikinasugat ng kan­yang driver kama­ka­lawa ng gabi.

Kinilala ang napaslang na si Jeremiah “Jerry” Ma­la­luan, 42, isang realtor at na­katira sa Camella Subd., Barangay Sambat, San Pascual.

Nasa Bejasa General Hos­pital naman ang suga­tang si Roberto Bautista, 44, ng Alitagtag.

Sa ulat na nakaabot kay P/Senior Supt. Jesus Gat­chalian, papauwi na sina Malaluan mula sa kanyang opisina sa Batangas City sakay ng Nissan Sentra (ZRS-630) nang harangin at ratratin ng mga arma­dong kalalakihan sa main road ng Brgy. Sto. Niño ban­dang alas-5:15 ng hapon.

Tumakas naman ang mga killer sakay ng kulay pulang Mitsubishi   patungo sa bayan ng Bauan.

 “Nakatira si Malaluan sa bayan ng San Pascual pero tubong Alitagtag ang pamilya nito kaya nag-aaspire siyang maging mayor doon,” ani P/Chief Inspector Renato Mercado, hepe ng San Pascual police.

Sinisilip ng mga imbes­tigador ang anggulong may kinalaman sa ne­gosyo ng biktima ang mo­tibo dahil may pinakulong na tauhan si Malaluan na na­kadis­palko sa kom­panya nila.

vuukle comment

ALITAGTAG

BARANGAY SAMBAT

BATANGAS CITY

CAMELLA SUBD

CHIEF INSPECTOR RENATO MERCADO

JESUS GAT

MALALUAN

SAN PASCUAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with