^

Probinsiya

2 Chinese national timbog sa shabu lab

-

Sta Rosa City, Laguna, Philippines — Dalawang Chinese nationals ang naaresto ng pinagsanib na elemento ng Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force, Laguna Police at Philippine Drug Enforcement Agency makaraang salakayin ang isang shabu laboratory sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Superintendent Francisco Uyami, AIDSOTF chief, ang mga sus­pek na sina Hong Zhi Peng, 40, isang chemist at Go Chan Son, 28, mga mi­yembro umano ng Chinese drug syndicate na illegal na nakapasok sa bansa.

Naaresto ang dalawang da­yuhan habang nagti­timpla pa ng mga chemical na gi­nagamit sa paggawa ng sha­bu (methamphetamine hydrochloride) sa ka­nilang inupahang bahay sa Block 28, Lot 36 Palestine St., Villa Segovia Estate, Barangay Balibago, Sta Rosa City.

“Hindi naman sila lu­ma­ban nang inaresto na­min pero ayaw nilang mag­salita tungkol sa kanilang ope­rasyon,” ani Uyami.

Bukod sa dalawang suspek, tinutugis din ng mga otoridad ang isang Vilma Chu at dalawang iba pa.

Nakumpiska mula sa laboratoryo ang precursor agents, mga chemical sa paggawa ng shabu, hydro­genator mixer, containers, tubes at refrigerator.

Sa panayam kay Senior Superintendent Mano­lito Labador, Laguna police director, maaari umanong ma­kagawa ang mga na­kum­piskang equipment ng hu­migit kumulang 10 kilo ng hi-grade shabu kada araw o may halagang P50-million ng shabu kada araw.

Ayon sa ilang impor­mante, maaaring umabot pa sa P150 milyon hang­gang P200 milyon ang dami at halaga ng shabu na magagawa sa naturang laboratoryo.

vuukle comment

BARANGAY BALIBAGO

DALAWANG CHINESE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

GO CHAN SON

HONG ZHI PENG

LAGUNA POLICE

PALESTINE ST.

SHY

STA ROSA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with