^

Probinsiya

7 MNLF rebelde utas sa Marines

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pitong rebelde mula sa Moro National Liberation Front breakaway group na sinasabing umakupa sa Montanggulli Island, Pa­la­wan noong Sabado ang ini­ulat na nasawi makaraang makipagsagupaan sa mga sundalo ng Armed Forces of the Phils. kahapon.

Ito’y matapos tumang­ging tumalima sa ultimatum na ibinaba ni Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 Commander Major Yuri Pesigan, ang grupo ni Commander Poh Abdu­rajak alyas Pa Guro na lisanin ang nasabing isla kung saan hinostage pa ang ilang re­sidente sa loob ng mosque.

Ayon kay Lt. Col. Ed­gard Arevalo, Navy spokesman, dakong alas-7 ng umaga nang lusubin na ng apat na platoons ng MBLT 8 kasama ang  teams ng Naval Special Operations Group ang na­banggit na isla.

Napag-alamang una nang nagbigay ng ultimatum si Major  Yuri Pesigan kay Abdurajak sa pama­ma­gitan ng emisaryong si Hadji Sukar­no Jamal su­ba­lit nagma­tigas ang mga ito.

 “ We retrieved 7 bodies of MNLF during clearing operations,” pahayag ni Pesigan kung saan kinilala ang dalawa sa mga ito na sina Lu Abdurajak at isang alyas Kimpo.

Nagsilikas naman ang mga residente sa kalapit na Bangkalan Island upang iwasan ang madugong bakbakan ng magkalabang puwersa.

Ayon naman kay PNP spokesman Senior Supt. Leonardo Espina, tinangka ng pulisya na isilbi ang 3 warrants of arrest kay Ku­mander Abdurajak dahil sa mga kasong indiscriminate firing at illegal possession of firearms.

Gayon pa man, sa halip na sumuko, kinubkob ng grupo ni Abdurajak ang isla at nagmatigas na lumisan sa kabila ng ibinabang ultimatum kung saan sa ma­tinding bakbakan ay isang sniper ng Marines ang nasugatan.

Nakarekober ng anim na M14 sniper rifles, dala­wang camouflage uniform na may tatak ng MNLF sa likuran, 19 rounds ng M1 Garand rifle at dalawa ang nadakip sa patuloy na clearing operations.

Nabatid na naghiwa-hiwalay na ang grupo ni Pa Guro na karamihan ay nag­panggap ng mga sibilyan kung saan nagsitakas pa­tu­ngong Bugsok Island, Palawan sakay ng bang­kang de motor.

vuukle comment

ABDURAJAK

ARMED FORCES OF THE PHILS

AYON

BANGKALAN ISLAND

BUGSOK ISLAND

COMMANDER MAJOR YURI PESIGAN

COMMANDER POH ABDU

HADJI SUKAR

PA GURO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with