Brodkaster binoga sa videoke bar

- Arnell Ozaeta, Tony Sandoval () - July 7, 2009 - 12:00am

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Sugatan ang isang 52-anyos na brod­kaster matapos barilin ng nag-iisang lalaki sa Ba­rangay Poblacion sa bayan ng Sariaya, Quezon kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Da­nilo Morzo, Sariaya police chief, ang biktimang si Pablo Casañada, block­timer sa radio station dzLT sa Lucena City. 

Si Casañada na kilala rin sa pangalang Bill Tesa­lona ay nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa loob ng pag-aaring videoke bar nang dumating ang suspek na si Arturo Remo na may bitbit na shotgun bandang alas-5:45 ng hapon.

Nagtamo si Casañada ng mga sugat sa mukha at katawan habang ang kai­bigang si Renato llaga ay ti­na­maan naman ng shrap­nel matapos barilin ng shotgun ni Remo na sinasabing nagpapagaling sa Quezon Memorial Center.

Nasukol naman ng mga kaibigan ni Casañada si Remo at pinagtulungang gulpihin.

Isinugod din sa Mt Carmel Hospital sa Sariaya si Remo dahil sa mga pasa at sugat sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, posibleng love triangle ang naging dahilan ng pa­mamaril at hindi konektado sa pagiging komentarista ng biktima

Batay sa salaysay ng mga saksi, narinig pa nila si Remo na nagbigay ng kata­ga sa biktima na - “huwag mo nang pakiala­man si (pangalan ng ba­bae), alam mo namang akin yon.”

Sasampahan ng kasong frustrated murder si Remo habang nagpapagaling sa ospital.

ARTURO REMO BATAY BILL TESA LUCENA CITY MT CARMEL HOSPITAL PABLO CASA QUEZON MEMORIAL CENTER REMO SARIAYA SHY SI CASA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with