^

Probinsiya

Ratratan sa Batangas : 2 dedo

-

BATANGAS, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na napatay ha­­bang apat iba pa ang sugatan sa naganap na magka­kahiwalay na barilan sa Batangas noong Sabado at kahapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang napatay na si Ernesto Barrion, 47, negosyante, ng Brgy. Bagumbayan, Tanauan, City. Sa police report, lumilitaw na papuntang palengke si Barrion kasama ang kanyang misis na si Marina, na lulan ng owner-type jeep (DPV-868) nang pagbabarilin ng mga ‘di-pa nakikilalang mga kalalakihan sa Brgy. Poblacion 7 bandang alas-4 ng madaling-araw kahapon kung saan sugatan ang asawa ni Barrion.

Samantala, niratrat at napatay din si Marcelo Velasquez, 32, ng kanyang bayaw na si Edwin Llanos sa di-pa ring malamang dahilan sa Sitio Camarin, Brgy. Castillo, sa bayan ng Padre Garcia, Batangas noong Sabado ng gabi. Kasunod nito, sugatan naman si PO3 Ferdinand Hernandez, matapos pagbabarilin ng di-pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa highway sa Sitio Tramo, Brgy. Alangilan, Batangas City kamakalawa ng gabi.

Sugatan din ang magpinsang Pablo Vergara at Allan Enriquez ng Brgy. Payapa Ilaya, sa bayan ng Lemery matapos barilin ng kanilang kainumang sina Teresito Alilio at Pedro Macatangay na sinasabing tumakas sakay ng kulaypulang Toyota Corolla. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ALLAN ENRIQUEZ

ARNELL OZAETA

BARRION

BATANGAS

BATANGAS CITY

BRGY

EDWIN LLANOS

ERNESTO BARRION

FERDINAND HERNANDEZ

JESUS GATCHALIAN

MARCELO VELASQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with