^

Probinsiya

Shootout: 2 drug pusher dedo

-

RIZAL, Philippines – Dalawang kalalakihan na sina­sabing notoryus drug pusher at mga pangu­nahing suspek sa pag­patay sa isang tabloid reporter at pulis ang iniulat na napaslang matapos makipagba­rilan sa pulisya sa isi­nagawang buy-bust operation kamakalawa sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Nakilala lamang ang dalawa sa alyas Mogs at Mon na kapwa miyembro ng Fabu Nor­ma Drug, Kidnapping at Carnapping Group na may ope­rasyon sa Metro Manila.

Base sa police report, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa dalawa sa Road 5, Sitio Abnai, Lupang Arenda nang maka­tunog sa presensya ng mga awtoridad.

Dito na nagka­ha­bulan hanggang sa umabot sa shootout at napatay ang dalawa kung saan nakare­kober ang pulisya ng dalawang baril, P200 na mark money na gi­namit sa buy-bust at ilang sachet ng shabu.

Sa tala ng pulisya, unang nagsagawa ng anti-drug operation ang pulisya sa nabang­git na barangay noong Hunyo 3 kung saan nasawi ang reporter na si Jojo Trajano na nag­sisilbing media witness at si PO2 Virgilio Dela Cruz. Danilo Garcia

vuukle comment

BARANGAY STA

CARNAPPING GROUP

DANILO GARCIA

FABU NOR

JOJO TRAJANO

LUPANG ARENDA

METRO MANILA

SHY

SITIO ABNAI

VIRGILIO DELA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with