^

Probinsiya

10 MILF pinabulagta

-

MANILA, Philippines – Umaabot sa sampung re­beldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades, ang iniulat na na­ paslang ha­bang 20 iba pa ang nasu­ga­tan makaraang sumiklab ang panibagong sagupaan sa pagitan ng militar at ng mga rebelde sa kagubatang sa­kop ng Brgy. Kateman, sa ba­yan ng Ta­layan, Maguin­da­nao noong Biyernes.

Ayon kay Armys’ 6th Infantry Division spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce, naka­ sa­gupa muli ng Army’s 601st Infantry Brigade sa pamumu­no ni Col. Medardo Geslani, ang mga rebeldeng MILF renegades kung saan tuma­gal ng 2-oras bago nagpula­san ang grupo ng 105th Base Command na pinamunuan ni Kumander Ameril Umbra Kato bitbit ang mga sugatang kasamahang rebelde.

Bandang alas-5:45 ng hapon nang makasagupa ng tropa ni Geslani ang isa pang grupo ng MILF renegades sa liblib na bahagi ng Brgy. Ahan, sa bayan ng Guin­du­lungan, Maguindanao na tu­magal naman ng isang oras.

Natagpuan sa encounter site ang sampung bangkay ng rebeldeng MILF matapos ang air-ground strikes ha­bang wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng mili­tar, ayon pa kay Ponce.

Si Commander Kato ay may patong sa ulo na P10 mil­yon kaugnay ng madu­gong pag-atake sa pitong bayan sa North Cotabato noong Agosto 2008. - Joy Cantos


vuukle comment

BASE COMMAND

BRGY

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

JONATHAN PONCE

JOY CANTOS

KUMANDER AMERIL UMBRA KATO

MEDARDO GESLANI

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with